Bakit Nagsisinungaling ang Ating Mga Anak?

Bakit Nagsisinungaling ang Ating Mga Anak?

#pagsisinungaling

Dear Lifechained,

Ako po si Lisa. Isa akong working mom at may dalawang anak, isang teenager (in High Scho) at Grade 1. Nahuli kong nagsisinungaling yun anak ko. Ang dami pala niyang blank grades kasi marami pala siyang hindi nasa-submit na assignments at missed quizzes. Hindi din pala siya pumapasok sa Online class at kung papasok naman ay palaging late.
Kaya naman, pinagalitan ko siya at nagtalo kami mag-ina. Isinumbong ko siya sa tatay niya kaya pinagalitan din ito ng asawa ko. Ngayun ay ayaw na mag-aral ng anak ko. Ano ang gagawin ko? Sana po matulungan niyo ako.

Lisa

Hi Lisa, 

Kinumusta mo ba yun iyong anak? Maaaring kaya hindi nagpapasa ng assignment ay dahil nahihirapan siyang intindihin yun lesson.

Pangalawa, bakit hindi pumapasok sa Online class at bakit palaging late? Maaaring walang internet connection/unstable yun connection? Kung meron naman kayong internet at wala naman problema, may mas malalim na dahilan.
Yun ang dapat muna natin alamin bago natin pagalitan ang ating mga anak.

Ang mga anak natin, nagsisinungaling dahil sa 2 bagay: 1) takot sila na mapagalitan; 2) Ayaw nila tayo masaktan

Kadalasan, nagsisinungaling sila dahil sa takot na mapagalitan. So, paano natin sila mapipilit na magsabi ng totoo at huwag na muli magsinungaling?

Una, dapat meron tau bond at connection sa ating mga anak.
Pangalawa, dapat maramdaman nila na anuman ang mangyari, kakampi nila tau at hindi natin sila huhusgahan.
Pangatlo, hindi natin sila matutulungan at madadamayan kung wala tayo alam sa katotohanan.

Iba na ang mga kabataan ngaun. Kailangan natin "kumonek" sa kanila. Higpitan mo at sila ay aalpas. Luwagan mo, baka umabuso. Pero kung ma-establish natin yun "connection at mutual bond natin sa kanila", hindi sila maglilihim.

Let us be CRITICS and not be a JUDGE sa mga anak natin. Kung hindi natin sila pakikinggan at paniniwalaan, sino ang makikinig at maniniwala sa kanila? Mababait silang bata pero  nalilihis sila dahil may pagkukulang tayo, hindi dahil napapasama sila sa masasamang tao. Tayo ang mga magulang at responsibilidad natin ang ating mga anak.

What's Your Reaction?

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow