Brother, let's share . The sacrifice of youngest for his brothers.

Brother, let's share. The sacrifice of youngest for his brothers.

Brother, let's share . The sacrifice of youngest for his brothers.

#mamajacqscorner

Hi Lifechained pips! Kwentuhan muna tayo.

So yun na nga. Because our 2 kuyas misbehaved, grounded sila. Si kuya 1, grounded ng 3 days, at si kuya 2 naman grounded ng 5 days. Sa mga magtatanong bakit d sila pareho ng araw ng grounded, kasi po mas mabigat yun kasalanan ni kuya 2 kaya mas mabigat dn yun consequence.

Kapag grounded ka, meaning NO cellphones, no watching of your favorite showa on Netflix. May sinusubaybayan po silang anime.hehe..

Kapag walang assignments or pending perfor.ance tasks ang mga bagets, allowed sila gumamit ng gadgets in a moderated time. They still have to do their shared household chores first.

Now, lumapit si bunso sa akin.

Bunso: "Mama, grounded po sila kuya? Bakit sila grounded po?"

Inexplain ko sa kanya kung bakit grounded yun mga kuya niya.

Bunso: "Eh mama, d ba hindi naman po ako grounded?"

Mama: "Oo anak, hindi ka grounded. Bakit mo natanong?"

Bunso: "Hmm..kasi po hindi ako grounded pero grounded sila kuya. Wala ako kalaro. Wala ako kasama manood. Hindi yun masaya."

Umalis si bunso saglit at bumalik makalipas ang ilang minuto.

Bunso: "Mama, paano po maaalis yun ground nila kuya?"

Mama: "Kailangan nila gumawa ng good deeds."

Bunso: "Pero need nila ng madaming good deeds po lalo na si kuya 2. Pwede po ba share na lang kami sa ground?

Mama:" You mean gusto mo grounded ka din? Dadamayan mo sila? Sigurado ka, anak?"

Bunso: "Opo. Kasi love ko sila kuya. Pag love mo, dapat mag sacrifice ka, di ba po? Gaya ng pag sacrifice niyo ni papa. Kahit pagod ka na, nagluluto ka pa din. Inaalagaan mo pa din kami."

And in that instant, my heart just melted away. I realized we are on the right track sa pagpapalaki ng aming mga anak.

Mama (to all): "Mga kuya, I am lifting your 1 day ground for each of you. Kinuha ni bunso yun tig-isang araw na ground niyo."

Kuya 1: "Weh? Hindi nga, mama?"

Kuya 2: "Talaga, bunso? Nagsacrifice ka para sa amin ni kuya?"

Bunso: "Oo nga, ayaw niyo maniwala? Kaya mag-thank you kayo sa akin. Bawal niyo ako awayin! Magpakabait kasi kayo. Puro kayo kasi pasaway!"

"All is well that ends well", ika nga nila..

Ang pagmamahal ay may kaakibat na sakripisyo. Gaano man ito kahirap, handa at kakayanin natin gawin para sa mga taong mahal natin. Ganyan din sa magkakapatid. Walang pinipiling katayuan, antas o anumang klase ng relasyon. Pag nagmahal ka, handa ka magsakripisyo.

 

What's Your Reaction?

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow