Mama Jacq's Corner

Mama Jacq's Corner

#mamajaqscorner 

Weekend kaya libreng maglaro ang mga bagets. Walang pending assignments to be done or projects to be submitted. Habang naglalaro, biglang nagmaktol si bunso.

Bunso (kay Kuya): Nakakainis ka, kuya! Ayaw ko na sa'yo! Wag na tayo maglaro!

Kuya (kay Bunso): Bakit kasi komo talo ka, magwawala ka. Tanggapin mo kasing talo ka. (sabay tawa).

Umiyak na si bunso at nagsumbong sa akin.

Bunso (kay Mama): Mama, pagalitan mo si kuya! Paluin mo! Tinatawanan nya ako, talo na nga ako eh!

Sa mga anak natin, si bunso ang madalas pagbigyan at inuunawa dahil musmos at maliit o kaunti pa lamang ang kanilang nauunawaan. Sinasabi natin na kapag mas matanda ka, mas ikaw ang dapat umunawa. Pero hanggang saan at kailan ito tama?

Pinagsabihan ko bilang ina si kuya na huwag pagtawanan ang kapatid lalo na kung siya ay natalo. Bagkus ay kausapin niya ito at sabihing, "Okay lang yan, bawi ka sa susunod na laro natin. Galingan mo at matatalo mo din ako sa susunod". 

Samantalang kinausap ko din si bunso na matuto tumanggap ng pagkatalo. Ipinaliwanag ko na hindi sa lahat ng pagkakataon ay panalo siya o kaya naman ay makukuha niya ang gusto niya sa panahon na nais niya ito makuha. Hindi ganun ang tunay na nagyayari sa buhay.

Ending: nagbati si kuya at bunso at hindi na napalo si kuya. Pero grounded sila pareho sa paglalaro ng game na pinag-awayan nila.

What's Your Reaction?

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow